May 21, 2026

Home BALITA

Hantavirus naiiba sa Covid-19 pandemic—WHO

Hantavirus naiiba sa Covid-19 pandemic—WHO
Photo courtesy: via MB


Iginiit ng World Health Organization (WHO) na lubhang magkaiba ang Hantavirus sa Covid-19, kasunod ang napaulat na pagkalat ng sakit na idinudulot umano ng rodents o daga.

Sa isang pahayag na ibinahagi kamakailan ng acting director for epidemic and pandemic management ng WHO na si Maria Van Kerkhove, pati ang paraan kung paano naipapasa ang sakit ay magkaiba ang dalawa.

“This is not SARS-CoV-2. This is not the start of a COVID pandemic,” saad ni Van Kerkhove sa kaniyang pahayag.

Aniya, pamilyar na sila sa virus na nagdudulot ng Hantavirus, at salungat ito sa Covid-19, na siyang naging pandemya na kumitil ng milyong-milyong buhay anim na taon na ang nakalipas.

“Hantaviruses have been around for quite a while. We know this virus. It does not spread the same way that coronaviruses do,” aniya.

Matatandaang kamakailan, nagpahayag din ang health organization hinggil sa umano’y posibleng human-to-human transmission na naganap sa naturang sakit.

"We do believe that there may be some human-to-human transmission that is happening among the really close contacts," saad ni Van Kerkhove.

Gayong bihira umano ito sa usapin ng Hantavirus, posible pa rin daw ito lalo’t “really close contacts” ang mga napaulat na nakakuha ng sakit sa cruise ship na MV Hondius.

MAKI-BALITA: 'Human-to-human transmission,' posible sa 3 nasawi dahil umano sa Hantavirus—WHO-Balita


Babala ng WHO, bihira umano ang sakit na ito ngunit maaari daw itong makapagdala ng labis na komplikasyon sa biktima—na posibleng ikamatay nito.

Batay naman sa huling ulat, tatlo na ang nasawi bunsod umano ng Hantavirus outbreak.