May 14, 2026

Home BALITA National

MANIBELA, raratsada ng transport strike sa Marso 26-27!

MANIBELA, raratsada ng transport strike sa Marso 26-27!
Photo courtesy: screengrab MANIBELA/FB

Inanunsyo ng transport group na MANIBELA ang muli nilang ikakasang malawakang transport strike sa darating na Huwebes, Marso 26, 2026 hanggang Biyernes, Marso 27.

Sa press conference ng naturang grupo nitong Lunes, Marso 23, inihayag ni MANIBELA Chairperson Mar Valbuena ang kanilang tigil-pasada bunsod pa rin ng patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

“Sa susunod na Huwebes at Biyernes, ikakasa namin ang nationwide transport strike,” ani Valbuena.

Ayon pa kay Valbuena, kasama ng kanilang hanay ang iba pa mula sa pampublikong transportasyon kasama ang UV express, truckers grup, transportation network vehicle services (TNVS) at mga motorcycle taxi drivers.

Samantala nitong Lunes naman nakatigil-pasada sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) dahil pa rin sa presyo ng gasolina.

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

“Talagang hindi namin kakayanin na. Kaya kami sa Lunes, magta-transport holiday kami nationwide. Hindi kami lalabas. Wala namang manggugulo. Para maiparamdam sa ating Presidente Marcos na kami talaga ay hirap na hirap na,” ani ACTO National President Libay de Luna sa panayam ng Super Radyo dzBB.

KAUGNAY NA BALITA: Transport group na ACTO, 'di mamamasada sa Marso 23 dahil sa presyo ng gas!

Habang noong nakaraang Linggo naman nang mauna na ang hanay ng PISTON sa mga nagkilos-protesta upang kalampagin umano ang gobyerno sa hinaharap na krisis ng bansa sa langis dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga panawagan ng PISTON hinggil sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, taas-pasahe