Mula sa takilya, telebisyon, at maging hanggang sa puso ng mahihilig sa cinema, isa na marahil ang tambalan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa mga talaga namang tumatak sa industriya ng pelikula.
Isa rin ang tambalan nila sa mga hinahangaan ng lahat, kung kaya’t hindi kataka-takang patok at sikat silang dalawa—lalo noong mga kapanahunan nila.
Sa pag-usbong ng moderno at kontemporaryong mga pelikula, hindi maikakailang nagmarka ang ilan sa mga palabas na pinagbidahan ng dalawa, sa loob ng mga nagdaang dekada.
DI NA NATUTO (SORRY NA, PWEDE BA?)
Ang pelikulang ito ay umere noong taong 1993, sa direksyon ni Eddie Rodriguez.
Kuwento ito ng dalawang magkapatid na sina Ysmael (Robin Padilla) at Bongbong (Edu Manzano), na nagkagusto sa iisang babae na si Carlotta (Sharon Cuneta).
Kasama pa nila rito ang mga aktor na sina Nida Blanca, Niño Muhlach, at Caridad Sanchez.
UNEXPECTEDLY YOURS
Umere ang pelikulang “Unexpectedly Yours” noong 2017, sa pangunguna ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana.
Hango ito sa kuwento ng dalawang high school friends na sina Patty (Sharon) at Cocoy (Robin) na nagkita muli matapos ang 30 taon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok sa tahimik na buhay ng mag-inang Patty at Yanni (Julia Barretto) ang magtitong sina Cocoy at Jason (Joshua Garcia).
MAGING SINO KA MAN
Gaya ng pelikulang Di Na Natuto (Sorry na, Pwede ba?), naisagawa ang pelikulang “Maging Sino Ka Man” sa direksyon ni Eddie Rodriguez.
Umere ang pelikula noong 1991, kung saan bumida ang ilang primyadong aktor na sina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Edu Manzano, at Vina Morales.
Gumanap din sa palabas sina Dennis Padilla, Rez Cortez, at Christopher Roxas.
PAGDATING NG PANAHON
Ang pelikulang “Pagdating ng Panahon” ay sumikat noong 2001, sa pangunguna ng tanyag na direktor na si Joyce Bernal.
Kuwento ito ni Lynette (Sharon Cuneta), isang babaeng relihiyosa at konserbatibo may boring na pamumuhay. Nais siyang pakasalanan ni Manuel (Robin Padilla), na ikinasaya naman niya.
Bumida sa pelikula sina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Rufa Mae Quinto, Amy Austria, at iba pa.