May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Paano nakatutulong ang fur babies sa kalusugan ng kanilang fur parent?

Paano nakatutulong ang fur babies sa kalusugan ng kanilang fur parent?
Photo courtesy: Unsplash

Mula sa mga kaguluhan sa loob at labas ng bansa hanggang sa araw-araw na mga obligasyon sa pamilya, sa trabaho, o eskwelahan, tila wala nang oras huminto at panandaliang huminga mula sa kaganapan ang marami. 

Habang hindi direktang nakamamatay, ang mga epekto ng stress ay nagdudulot ng unti-unting pagkasira ng iba’t ibang parte ng katawan tulad ng pagpapababa ng resistensya, insomnia, mabilis na pagkapagod o fatigue, at problema sa digestive at reproductive systems. 

Kaya ayon sa Human Animal Bond Research Institute (HABRI), isa sa mga epektibong “stress reliever” ay ang paglalaan ng oras sa fur babies dahil bukod sa ibinibigay nilang walang kapantay na pagmamahal, ang mga ito rin ay nakapagbibigay ng “sense of purpose” sa kanilang fur parents. 

Ayon naman sa Mental Health Foundation, ang fur babies ay mainam ding pinagmumulan ng comfort at motivation dahil nahihikayat nila ang kanilang amo na magkaroon ng routine sa araw-araw na buhay. 

Sa pamamagitan ito ng physical activity, partikular sa mga aso na kinakailangan ng walking upang mapanatili ang kanilang maayos na kalusugan. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Isa pa ay ang companionship na nakapagbibigay pagkakataon sa fur parent na maramdamang siya ay kailangan at may halaga kahit na sa mga simpleng paraan. 

Kahit hindi nakapagsasalita, puwede ring maging “confidence booster” ang fur babies dahil itinuturo silang “effective listeners,” na nakatutulong upang maramdaman ng fur parent na siya ay iniintindi, minamahal, at hindi hinuhusgahan. 

Bilang “social catalysts”’ naman, ang mga alagang hayop ay daan din upang magkaroon ng bagong kaibigan ang kanilang fur parents sa pamamagitan ng kanilang routine walking, training classes, o kaya’y simpleng pamimili ng mga gamit sa pet shop. 

Sa pamamagitan ng mga ito, nakatutulong ang mga alagang hayop na mabawasan ang iniindang stress, pagkabalisa, o depresyon ng kanilang amo. 

Gayundin ang pagkakaroon ng disiplina at “sense of achievement” sa bawat gawaing matatapos sa isang araw. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: ‘Life hacks’ para maibsan ang stress sa araw-araw