May 22, 2026

Home BALITA National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!
Photo courtesy: MB File photo

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes, Mayo 14, 2026 na walang sundalong sangkot sa insidente ng pagpapaputok ng baril sa loob ng Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Ayon kay AFP chief na si Romeo Brawner Jr., ang mga sundalong Marines na nakita sa mga video sa loob ng Senado ay nakatalaga lamang doon bilang bahagi ng kanilang regular na tungkulin sa pagbibigay ng seguridad sa institusyon.

“Nakausap namin yung commander. Hindi sila nagpaputok because they were there to support,” sabi ni Brawner sa mga mamamahayag.

Ipinaliwanag din ng opisyal na ang mga miyembro ng Marine Security and Escort Group (MSEG) ay nakatalaga upang tiyakin ang seguridad ng mga pasilidad ng gobyerno tulad ng Senado, Kamara de Representantes, Department of Foreign Affairs, at iba pang tanggapan.

“Trabaho nila yun to secure the facility. Hindi yung security ng isang individual senator. They're there to secure the facility,” dagdag niya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sinabi rin ni Brawner na walang pinaputok na baril ang mga tauhan ng militar na naka-deploy sa Senado.

Ayon pa sa AFP chief, papunta siya noon sa isang pulong kasama ang iba pang opisyal matapos mangyari ang insidente sa Senado.

Samantala, isang driver na empleyado umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos makarinig ng ilang putok ng baril sa loob ng Senado sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya nitong Huwebes.

Nauna nang sinabi ni Melvin Matibag na walang mga ahente ng NBI na naka-deploy sa Senado nang mangyari ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, iniulat ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado na gumanti lamang ng putok ang kanilang mga tauhan matapos pagbabarilin ng armadong lalaki na pumasok sa Senado.

Nangyari ang insidente kasabay ng posibilidad ng pag-aresto kay Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa matapos maglabas ng warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa senador kaugnay ng madugong kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato