Nagimbal ang buong bansa nang marinig ang pag-alingawngaw ng putok ng mga baril sa loob ng Senado noong gabi ng Miyekules, Mayo 13.
Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, may natanggap na umanong babala ang ilang senador hinggil sa posibilidad ng masamang pangyayari habang pinag-uusapan pa ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
“Four senators got tips, 30 minutes ago while we were talking, na umalis na dito kasi may mangyayari. This is the Senate of the Philippines, we are allegedly under attack! The sergeant-at-arms said na may putukan dito,” saad ni Cayetano sa kaniyang Facebook live.
MAKI-BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato
Sa labas naman ng institusyon, naiulat na kinalampag, pinagmumura, at pinagbabato ng baso na may lamang tubig ang sasakyan ni Sen. Vicente “Tito” Sotto habang papalabas siya.
"I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate," dismayadong saad ni Sotto sa kaniyang social media post.
MAKI-BALITA: Sasakyan ni Sen. Sotto, pinagbabato; Tito Sen, dismayado sa PNP
Mapapanood din sa iba’t ibang ulat na sa kabila ng kaliwa’t kanang kaguluhan, nagpatuloy ang live coverage ng media mula sa iba’t ibang outlet upang maipakita sa publiko ang mga pangyayari sa loob ng senado.
Kaya ang netizens at ilang personalidad, hindi pinalagpas na bigyang pagkilala ang katapangang ito ng mga mamamahayag.
“You can audibly hear some journalists fearing for their lives while still reporting for their respective media outlets. This is what real journalists do. So think again before you start calling yourselves one.”
“To all the journalists who kept rolling and reporting while there was gunfire: Ang tatapang niyo!”
“Kita n’yo? Mga totoong journalist ang naghahatid ng balita sa gitna ng putukan, hindi ang social media influencer.”
“Today is another reminder of the crucial role journalists play. Andiyan sila on the ground, risking their lives so the truth can be relayed to all of us. Kudos to all reporters!”
“Grabe! Salute to all the Journalists who covered the Senate standoff, especially Victoria Tulad who gave a comprehensive report on the situation.”
Isa pa sa mga sumaludo ay ang ilan pang mamamahayag na may mga kasamahang sumabak sa kaguluhan sa Senado.
“Events in the Senate tonight showed the weight and responsibility of being a ‘journalist’. It is something that is earned–consistenty,tirelessly. You do not just become a journalist simply by calling yourself one. Pagpupugay sa mga mamamahayag at malayang pamamahayag,” ani ABS CBN Reporter Kat Domingo.
Gayundin si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, na tumuring sa mga mamamahayag bilang “gabay” ng taumbayan tungo sa katotohanan.
“Sa mga panahong ganito, binibigyan rin nating pagpupugay ang katapangan ng mga mamamahayag na patuloy na naghahatid ng impormasyon sa gitna ng panganib,” saad ng mambabatas.
“Kayo ang nagsisilbing gabay ng taumbayan tungo sa katotohanan,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: Diokno, nabahala sa insidente sa Senado; pinuri 'matatapang' na reporter!