Nabahala si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa naganap na kaguluhan sa Senado nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang media noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026.
Ayon sa naging pahayag ni Diokno sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 14, sinabi niyang dapat daw na manaig ang batas, kaligtasan, at paggalang sa proseso sa kabila ng mga mainit na tensyong naganap sa Senado.
“Nakababahala ang nangyayari sa Senado kagabi. Sa gitna ng tensyon, dapat manaig ang batas, kaligtasan, at paggalang sa proseso,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Diokno.
Ani Diokno, binibigyang-pugay niya raw ang katapangan ng lahat ng mga mamamahayag na nasa gitna ng kaguluhang naganap sa loob at labas ng Senado para maghatid ng impormasyon sa publiko.
“Sa mga panahong ganito, binibigyan rin nating pagpupugay ang katapangan ng mga mamamahayag na patuloy na naghahatid ng impormasyon sa gitna ng panganib,” papuri niya.
Dagdag pa ng mambabatas, “Kayo ang nagsisilbing gabay ng taumbayan tungo sa katotohanan.”
Pagpapatuloy ni Diokno, mahalaga raw na protektahan ang institusyon at taumbayan sa pamamagitan ng hindi pagpapakita ng mga ipinag-uutos ng batas.
“We must protect our people and our institutions. We must never allow rule of law to be weakened or used as a shield for the privileged few,” pagtatapos niya.
Sa kasalukuyan, lumabas na sa mga ulat nito ring Huwebes na nakalabas na umano ng Senado ang ugat ng kaguluhan na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
KAUGNAY NA BALITA: PNP, muling bubuhayin subpoena vs Dela Rosa
KAUGNAY NA BALITA: Umugong na pagtakas ni Sen. Bato sa Senado, chismis lang daw?—Atty. Torreon