Nagkomento ang legal counsel ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa mga bali-balitang nakaalis na ang kaniyang kliyente sa Senado matapos ang sumiklab na tensyon noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, 2026.
Sa panayam ng media kina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc, iginiit nilang tila chismis lang daw ang pagtakas ni Dela Rosa.
“Ayan mga haka-haka lang 'yan. Chismis lang 'yan, marites. Marami sa amin n'yan doon sa Davao, mga marites,” saad ni Torreon.
Binigyang-pansin naman ni Bondoc ang oras na iginiit umano ng mga tagasuporta ni Dela Rosa na nag-disperse sila dahil nakatakas na umano ang nasabing senador.
“Anong oras sila nag-disperse? And then the other night nag-disperse din sila around that time. Madaling araw yata sila nag-disperse. And then the day before nag-disperse din sila around a certain time,” ani Bondoc.
Matatandaang nitong Huwebes ng umaga, Mayo 14, nang pumutok sa mga balita na nakaalis si Dela Rosa mula sa Senado bandang 2:30 ng madaling araw. Ito ay batay umano sa kumpirmasyon ng isang hindi pinangalanang senador.
Nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos umalingawngaw ang putok ng mga baril sa loob ng institusyon na pinaniniwalaang nagmula sa pagitan umano ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Senate sergeant-at-arms.
KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato
Kaugnay ng nasabing tensyon, kalaunan ay kinumpirma naman ni Senate President Alan Peter Cayetano na ligtas siya, ang Senate majority bloc at maging si Dela Rosa na noo’y nasa ikalimang palapag umano ng Senado.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sen. Bato is okay!' SP Cayetano, nilinaw na ligtas sa putukan si Sen. Bato