May 22, 2026

Home BALITA

'Sen. Bato is okay!' SP Cayetano, nilinaw na ligtas sa putukan si Sen. Bato

 'Sen. Bato is okay!' SP Cayetano, nilinaw na ligtas sa putukan si Sen. Bato

Nagbigay ng katiyakan si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ng gabi na ligtas si Ronald dela Rosa sa gitna ng tensyon at naiulat na putukan sa Senado.

Sa kaniyang Facebook Live update, diretsahang sinabi ni Cayetano na,”Ligtas si Senator Bato dela Rosa. Aakyatin namin ni Sec. Jonvic Remulla. Hindi siya aarestuhin ngayon.”

Dagdag pa niya, “So far everyone is safe. So far, walang balita po na anyone got hurt from the gunshot.” 

Ayon kay Cayetano, igagalang umano ng pamahalaan ang naging direktiba ng Korte Suprema habang hinihintay ang komento kaugnay ng petisyon laban sa pagpapatupad ng warrant ng International Criminal Court (ICC).

Nasa ilalim ngayon ng proteksyon ng Senado si Dela Rosa matapos lumutang ang ulat hinggil sa arrest warrant na inilabas ng (ICC) kaugnay ng kampanya kontra droga noong nakaraang administrasyon.  

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato

Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos umalingawngaw ang putok ng mga baril sa loob ng institusyon.

Samantala, patuloy pa ring hinihintay ang opisyal na detalye mula sa mga awtoridad kaugnay ng insidente at sa estado ng seguridad sa Senado.