Dismayado si Senador Vincente "Tito" Sotto sa mga miyembro ng Philippine National Police at iba pang security personnel dahil sa umano’y hindi pagkontrol sa mga nagpoprotesta, dahilan upang pagbabatuhin siya habang nasa loob ng minamanehong sasakyan.
Ayon sa mga ulat, kinalampag, pinagmumura, at pinagbabato ng baso na may lamang tubig ang sasakyan ni Sotto sa paglabas niya ng Senado nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.
Sa isang social media post, naglabas ng saloobin si Sotto dahil sa nangyari.
"I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate," anang dating Senate President.
"The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards," dagdag pa niya. "Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito?"
Sa dulong bahagi ng pahayag, napatanong si Sotto kung wala na bang respeto at walanghiya ang mga taga-suporta umano ng ilang senador.
"Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?" ika pa ni Sotto.
Matatandaang noong Lunes, Mayo 11, nang patalsikin si Sotto bilang Senate President at pinalitan ni Senador Alan Peter Cayetano.
Kaugnay na Balita: Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'
Samantala, isa rin si Sotto sa mga senador na naghain ng Senate Resolution No. 395 kung saan nilalayon nitong pasukuin si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa at sundin ang mga legal remedies alinsunod sa Konstitusyon at iba pang mga batas sa halip daw na takbuhin niya ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.
Basahin: 'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!