May 16, 2026

Home BALITA

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa

Nanindigan ang misis ng National Bureau of Investigation (NBI) volunteer na walang kasalanan ang asawa niya sa naganap na barilan sa Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13. 

"Wala pong kasalanan ang asawa ko, wala po 'yang baril. Sa mga taga-NBI, maawa po kayo tulungan n'yo po ang asawa ko. Huwag n'yo po siyang pabayaan. Kayo lang po ang pag-asa niya," saad ng misis ng NBI volunteer sa panayam sa media.

Matatandaang nitong Miyerkules ng gabi, naaresto ang nagngangalang "Mel Oragon, na sinasabing volunteer at naging driver ng NBI. 

Iginiit naman ni NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes, Mayo 14, na hindi raw opisyal na empleyado ng ahensya si Oragon. 

“Well, sa ngayon po, when vinalidate po namin ‘yon pong aming records ng amin pong mga ahente at mga employees, siya po ay hindi po opisyal na empleyado ng NBI,” ani Matibag.

National

'Be the bearers of nation's pride:' VP Sara, binati pagtatapos ng 'Talang Dangal' ng PMA!

Aniya, “Ngunit noong akin pong…nagkaroon na po ako ng sariling imbestigasyon, lumalabas po na siya ay parang volunteer—kasama po noong mga ahente po ‘no.”

Maki-Balita: Matibag, itinangging empleyado ng NBI si Mel Oragon

Samantala, ayon naman sa legal counsel ni Oragon na si Atty. Paolo Nieto, nanindigan siyang volunteer at hindi regular employee ng NBI ang kaniyang kliyente. 

Bukod dito, sinabi ni Nieto na naaresto si Oragon sa GSIS side at hindi sa mismong Senado dahil hinahanap umano ang bag na naiwan.