May 22, 2026

Home BALITA

SP Cayetano sa pag-alis ni Sen. Dela Rosa sa Senado: 'There's no warrant. He's free to go'

SP Cayetano sa pag-alis ni Sen. Dela Rosa sa Senado: 'There's no warrant. He's free to go'

Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano na hindi matatawag na "escape" ang pag-alis ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa sa Senado kaninang 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes, Mayo 14.

Kaugnay na Balita: 'The Senate was under attack!' SP Cayetano, tinaasan ng boses nagtanong sa pamamaril sa Senado

Ito ay matapos basahin ni Cayetano sa kaniyang press conference ang umano’y mensahe ng misis ni Dela Rosa kung saan nabanggit ang umano’y pagtakas ng senador mula sa Senado.

"We would like to thank you and all other senators for all the support you have done for my husband. At the same time, I'd also like to ask for forgiveness... It is for this reason I am sure that Ronald made his 'escape.' He told me, habang tumatagal kasi siya diyan sa loob ay mas nadadamay pa kayo," ayon sa mensaheng binasa ni Cayetano.

Kaugnay nito, natanong si Cayetano tungkol sa sinabi rin ng misis ni Dela Rosa na, “Wala sa plano but I am sure he took the opportunity no’ng nagkaguluhan at nagkaputukan na.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sagot ng bagong senate president, "I will not interpret because sabi niya, baka. Because he did not escape during, after."

"If I was in his shoes, I will escape when it's least expected. But again, mali 'yong word na 'escape' because there's no warrant, so he's free to go," dagdag pa niya. 

Paliwanag pa ni Cayetano wala naman daw ipinakitang warrant ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanila no'ng oras na hinahabol ng mga miyembro nito si Dela Rosa. 

"If they gave me the warrant, my advice would have been different," aniya. 

Natatandaang nitong Mayo 11 lamang muling nagpakita sa Senado si Dela Rosa sa panahong kumilos ang kaniyang mga kaalyado para patalsikin si Sen. Vincente "Tito" Sotto III bilang Senate President at palitan siya ni Cayetano.

Sa pagdating ni Dela Rosa sa plenaryo, emosyonal niyang ibinahagi sa media na hinarang umano siya upang hindi makadalo sa sesyon ng Senado.

“Hinaharang 'di papasukin sa session. Noong ako'y absent, hinahanap ako ninyo, sumusweldo, hindi nagpapakita. Ngayon, papakita ako dito, hinarang ako. Ni-wrestling ako,” ani Dela Rosa sa media.

Maki-Balita: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado