Nagbigay ng reaksiyon ang Professional Regulation Commission (PRC) kaugnay sa isang examinee ng Licensure Examination for Teachers (LET) sa Koronadal City na na-nalate sa takdang oras kaya hindi nakakuha ng pagsusulit.
Sa panayam ng UNTV News and Rescue noong Biyernes, Marso 20, sinabi ni PRC Asst. Commissioner Louis Valera na bagama’t nakikisimpatya sila sa examinee, kinakailangan umano nilang panatilihin ang integridad ng board exam.
Aniya, “The commission is very sympathetic of what happened to the examinee. Pero you see, we have to do a balance, e. And as much as we are very sympathetic, we really have to preserve the integrity of the board exam.
“Ang ating policy, simultaneous ‘yong coduct ng exam. Hindi pupwedeng may nagsisimula na tapos ‘yong iba nabibigyan pa lang ng general instructions then saka pa lang magpi-fill-out ng forms,” dugtong pa ni Valera.
Maki-Balita: Sinong may pagkukulang? LET examinee emosyunal, hindi nakakuha ng exam dahil na-late
Samantala, nakarating naman sa kabatiran ni dating senatorial candidate at may-ari ng isang review center Carl Balita ang tungkol dito.
Nangako siyang tutulungan ang LET examinee sa pamamagitan ng full scholarship sa review center.
"Sya na nga ang hindi naka-take sya pa ba ang aawayin ng iba? Kawawa naman. Tama na," saad ni Balita.
Sabi naman ng LET examinee, “Walang katumbas na pasasalamat.”
Maki-Balita: LET examinee na 'di nakapag-exam dahil na-late, magiging full scholar sa review!