May 22, 2026

Home BALITA

‘Pati tsismis!’ NBI, legal nang maaakses gadgets ni Franco Mabanta

‘Pati tsismis!’ NBI, legal nang maaakses gadgets ni Franco Mabanta
Photo Courtesy: via MB

Pinahintulutan na ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang National Bureau of Investigation (NBI) para suriin ang mga gadget na nasamsam mula sa founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta, kabilang ang iba pang kasapakat nito na naaresto kamakailan.

Sa ginanap na monthly balitaan forum nitong Miyerkules, Mayo 19, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na binasbasan na ng korte ang kanilang cyber warrant application noong Mayo 15.

Ito ay para payagan silang mabuksan nang legal ang mga nilalaman ng telepono ni Mabanta kasama na ang mga text message, video, picture, at iba pa.

Anang NBI director, “'Yong mga kinausap niya, kung sinoman 'yong mga kinausap niyang personality, we will have access to that. Malalaman po namin.”

“Kaya pati 'yong tsismis na kinausap si ganito, si ganyan, we will have a definite answer to that do'n sa makikita namin, mga communication and call logs, and videos and pictures sa telepono mismo ni Franco Mabanta,” dugtong pa ni Matibag.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Matatandaang dinakip si Mabanta ng NBI noong Mayo 5 dahil sa umano’y bantang extortion laban kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Samantala, pinanindigan naman ng PGMN founder na inosente siya at setup ang nangyari.

Maki-Balita: 'We are innocent. This was setup!' Franco Mabanta, nagsalita matapos dakpin ng NBI dahil kay Romualdez