Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na may ilang impormasyon umano silang hawak tungkol sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa ginanap kasing monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) nitong Martes, Mayo 18, naitanong kay Matibag kung nasaan nga raw ba ang nasabing senador matapos makatakas sa kasagsagan ng kaguluhan sa Senado noong gabi ng Mayo 13.
Ngunit anang NBI director, “Kung mayro'n man po, I have to apologize because it's part of our process in law enforcement. Mahirap naman pong i-announce na nandito siya kasi people try to speculate, e.”
“Ang dami naming lead na ibinigay. We have a lead on kung nasaan talaga. Pero in the meantime, we have to suspend 'yong announcement kung nasaan siya,” dugtong pa niya.
Aniya pa, sii Sen. Robin Padilla raw talaga ang dapat tanungin sa kinaroroonan ni Dela Rosa.
Matatandaang itinuturing na ng NBI si Padilla bilang person of interest sa pagtakas ng kapuwa niya senador.
Kinumpirma na rin niya na ang sasakyang namataan sa video na kuha sa Senado ay pagmamay-ari niya. Ayon sa ulat, kapareho umano ito ng plaka ng sasakyang ginamit ni Dela Rosa para makaeskapo sa Senado.
Maki-Balita: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI