May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI

Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI
Phot courtesy: Robin Padilla (FB)

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Melvin Matibag na ikinokonsidera na nilang person of interest si Sen. Robin Padilla hinggil sa muling pagtatago ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

Sa panayam ng Unang Balita kay Matibag nitong Biyernes, Mayo 15, 2026, tahasang iginiit ni Matibag na si Padilla raw ang unang dapat tanungin sa kinaroroonan ngayon ni Sen. Bato.

"Automatic po 'yan pero sabi ko nga kung meron pong unang-unang dapat tanungin, na-identify naman na si Senator Robin Padilla yung kasama," saad ni Matibag.

Paglilinaw pa niya, “Siya po yung pinaka-person of interest to shed light sa whereabouts po ni Senator Bato."

Nagkomento rin si Matibag hinggil sa nangyaring tensyon sa Senado at iginiit niyang tila diveetion lang daw 'yon upang makatakas si Dela Rosa mula sa nasabing institusyon.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

"After noong commotion diyan sa Senate, yung putukan, ang kasunod, nawala na po siya. Kung maalala ninyo po, 'yan na nga yung binabanggit ko na sentimyento ng aming mga ahente na maaaring ang naging dahilan noong paputukan na 'yan ay para ma-divert at makaalis si Senator Bato," giit ni Matibag.

Nabanggit din ni Matibag ang naging pahayag ng misis ni Dela Rosas.

"'Yan naman ay kinumpirma ng kaniyang maybahay na sabi si Senator Bato took advantage noong situation na nagkaputukan para makaalis po ng Senado," anang NBI Director.

Bago nito, matatandaang nagawa pang pabulaanan ng legal counsel ni Dela Rosa ang kaniyang pag-eskapo mula sa Senado.

Sa panayam ng media kina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc, iginiit nilang tila chismis lang daw ang pagtakas ni Dela Rosa.

“Ayan mga haka-haka lang 'yan. Chismis lang 'yan, marites. Marami sa amin n'yan doon sa Davao, mga marites,” saad ni Torreon.

Binigyang-pansin naman ni Bondoc ang oras na iginiit umano ng mga tagasuporta ni Dela Rosa na nag-disperse sila dahil nakatakas na umano ang nasabing senador.

“Anong oras sila nag-disperse? And then the other night nag-disperse din sila around that time. Madaling araw yata sila nag-disperse. And then the day before nag-disperse din sila around a certain time,” ani Bondoc.

KAUGNAY NA BALITA: Umugong na pagtakas ni Sen. Bato sa Senado, chismis lang daw?—Atty. Torreon