Tila gustong-gusto nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi si Kapuso actress Ashley Ortega bilang girlfriend ng anak nilang si Mavy.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, Marso 19, inusisa ni Boy Abunda ang mag-asawa kung kumusta ang relasyon nila kay Ashley.
"We love her," sey ni Carmina. "Mahal namin siya kasi ang bait."
Sey naman ni Zoren, "Ang unang basehan naman kasi d'yan is, as a parent, syempre kung sino 'yong mahal ng anak mo dapat mahalin mo rin. Kung hindi mo mahal dapat matutunan mong mahalin kung sinoman ang mahal ng anak mo."
"So whether si Ashley 'yan, whether si ganito 'yan, si ganyan, kung 'yon ang nagpapaligaya sa anak namin, then so be it. Wala kaming problema doon," paliwanag pa niya.
"Dahil sa pagmamahal mo sa anak mo, dahil nagtitiwala ka sa anak mo, gusto mong ibigay 'yong freedom na 'yon e. 'Okay that's your decision. Nandito kami para suportahan ka.' And we're just very happy na okay silang dalawa ni Ash. Si Ash malapit sa [amin], pati kay Cassy. So magaan lang," dugtong pa ni Carmina.
Matatandaang nausisa rin noon sa parehong programa si Ashley tungkol kay Mavy. Aniya, akala raw niya noon ay hindi magtutugma ang maturity nilang dalawa.
“I thought before hindi niya ma-match ‘yong maturity ko. Kasi he’s younger than me, e. He’s three years younger than me. Parang two na lang din because my birthday is December 26, siya January,” saad ni Ashley. “But he’s actually mature."
Maki-Balita: Ashley Ortega, 'di inakalang mapapantayan ni Mavy Legaspi maturity niya