July 27, 2026

Home BALITA National

Rep. Chua bumuwelta kay VP Sara: 'Matagal nang nag-aantay taumbayan kung sino si Mary Grace Piattos!'

Rep. Chua bumuwelta kay VP Sara: 'Matagal nang nag-aantay taumbayan kung sino si Mary Grace Piattos!'
Photo courtesy: HOR, OVP

Binanatan ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua si Vice President Sara Duterte kaugnay sa nasabi ng huli na matagal na raw naghihintay ang taumbayan ng isang mas maayos na bansa. 

Sinabi ito ni VP Sara sa naging pagpunta niya sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Huwebes, Hulyo 9, 2026.

‘Sa ating mga opisyal ng pamahalaan, tutukan natin ‘yong kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng ating bayan. Matagal nang nag-aantay ang ating mga kababayan na maging mas maayos itong bansa,” anang Bise Presidente. 

Sa naging tugon naman ni Chua sa isinagawa nilang press conference nitong Biyernes, Hulyo 10, pinatutsada niyang matagal na rin daw naghihintay ang mga Pilipino para sagutin ni VP Sara kung sino si Mary Grace Piattos. 

“Matagal na ring nag-aantay ang ating mga kababayan na sagutan niya ang isyu kung sino si Mary Grace Piattos,” pagsisimula niya. 

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

Ani Chua, naghihintay rin daw ang mga Pilipino na humarap si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial laban sa kaniya para sagutin ang mga alegasyong nauugnay sa kaniya. 

“Matagal na ring nag-aantay ang ating mga kababayan na siya ay humarap at sagutin niya lahat ng mga alegasyon sa kaniya sa impeachment,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Chua, naghihintay rin daw ang publiko na sagutin ni VP Sara naging transaksyon nila ng halagang aabot sa ₱6.7 bilyon, batay sa inilabas na tala ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). 

“At matagal na ring nag-aantay ang ating mga kababayan sa sagot niya kung saan nakuha ‘yong transaksyon na nagkakahalaga ng 6.7 billion na inilabas ng AMLC,” ‘ika niya. 

“‘Yan muna ang sagutin niya bago siya magsabing kami ay namumulitika lamang,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si VP Sara kaugnay sa nasaad na ito ni Chua. 

KAUGNAY NA BALITA:'Di ito pamumulitika!' Garin, binara banat sa public officials ni VP Sara