July 25, 2026

Home BALITA National

'Di ito pamumulitika!' Garin, binara banat sa public officials ni VP Sara

'Di ito pamumulitika!' Garin, binara banat sa public officials ni VP Sara
Photo courtesy: HOR, OVP

Tumirada si House Deputy Speaker Janette Garin kaugnay sa naging mensahe ni Vice President Sara Duterte na itigil na raw muna ng mga opisyal ng pamahalaan ang pamumulitika para umano’y kanilang personal na politikal na interes. 

Batay ito sa naging pahayag ni VP Sara sa naging pagpunta niya sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Huwebes, Hulyo 9, 2026. 

“Pinaabot ko sa ating opisyal ng pamahalaan na itigil na muna natin ‘yong pamumulitika at pananawagan nila ng transparency and accountability pero ang totoong pakay nila ay kanilang mga sariling political interest,” anang Bise Presidente. 

Sa naging tugon naman ni Garin sa isinagawa nilang press conference nitong Biyernes, Hulyo 10, sinabi niyang hindi raw niya maintindigan kung saan hinuhugot ni VP Sara ang pagsasabi para lang political na interes ng mga kagaya nilang mambabatas ang pagsusulong ng accountability at transparency. 

“Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling ‘yong kaniyang sinasabing sariling political interest. Linawin lang natin, noong nakaraang tatlong araw na nagkaroon ng impeachment trial, naiprisenta ng ating prosecution na ilatag ‘yong alegasyon doon sa Articles of Impeachment,” pagsisimula niya. 

National

Llamas, binira si Sen. Pia: 'Hirap na hirap kumain ng pride chicken!'

Dagdag pa niya, “Kung saan nandoon ‘yong threats sa Pangulo, sa First Family, and of course sa former [House] Speaker.” 

Diin ni Garin, hindi raw pamumulitika ang responsibilidad nilang isulong ang impeachment trial dahil sa naging pagbabanta ni VP Sara na nasa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa. 

Paglilinaw ni Garin, hindi rin naman daw sila tumitigil sa pagseserbisyo sa taumbayan at patuloy raw tumutugon ang gobyerno at Kongreso sa kanilang tungkulin dahil wala raw silang pinipiling trabaho. 

“Hindi naman tinitigil ‘yong serbisyo sa taumbayan. Patuloy na tumutugon ‘yong gobyerno sa mga pangangailangan, patuloy na gumagalaw ang Kongreso, patuloy na nagtatrabaho ang Senado. Ngunit we cannot have a selective task,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Garin, sang-ayon naman daw ang impeachment trial laban sa Bise Presidente at moral itong obligasyon at tungkulin. 

“Hindi puwedeng piliin lang natin ‘yong ating trabaho dahil ang ginagawang impeachment trial ay sang-ayon sa saligang batas. It is our moral obligation and our moral duty,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Luistro, '10/10' sa performance ng prosecution sa impeachment trial!