July 08, 2026

Home FEATURES Human-Interest

KILATISIN: Si Atty. Carlo Narvasa ng defense team

KILATISIN: Si Atty. Carlo Narvasa ng defense team
Photo courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (FB)

Pumukaw sa atensyon ng publiko ang isa sa mga abogado ng makasaysayang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte na si Atty. Carlo Joaquin T. Narvasa, na siyang tumayo at dumepensa para sa article IV ng impeachment kaugnay ng umano'y "grave threats" laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa bawat pagtutol, pagtatanong, at paglalatag ng argumento para sa kampo ng Bise Presidente, lalong nakikilala ng publiko ang batang abogado na kabilang sa defense team, katapat ang prosecutor na si Atty. Amando Virgil Ligutan.

Maki-Balita: KILALANIN: Si Atty. Amando Virgil Ligutan ng prosecution team

Batay sa iba't ibang ulat, nagtapos si Atty. Narvasa ng Bachelor of Arts in English Literature sa Ateneo de Manila University (ADMU) bago niya tinahak ang landas ng pag-aaral ng batas sa Ateneo Law School.

Matapos makuha ang kaniyang Juris Doctor degree, nakapasa siya sa Philippine Bar Examinations at opisyal na naging abogado noong 2016.

Human-Interest

KILALANIN: Si Atty. Amando Virgil Ligutan ng prosecution team

Bago maging associate sa Fortun Narvasa & Salazar (FNS Law), nagsilbi muna si Narvasa bilang junior associate sa Paredes Garcia & Golez Law Office.

Kalaunan ay naging bahagi siya ng FNS Law kung saan umangat siya bilang senior associate ng kompanya.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi siyang first-chair litigator sa ilan sa pinakamalalaking arbitration at dispute-resolution cases ng kanilang law firm.

Ibig sabihin, siya ang pangunahing abogado na humaharap sa mga pagdinig, paglilitis, at presentasyon ng kaso sa iba't ibang legal na forum.

Hindi lamang limitado sa litigation ang karanasan ni Narvasa.

Kabilang sa kaniyang mga espesyalisasyon ang arbitration, corporate at commercial law, corporate rehabilitation, dispute resolution, at mga usaping may kaugnayan sa mining at natural resources.

Dahil dito, nakapagtrabaho siya sa mga kasong sumasaklaw hindi lamang sa mga sigalot sa korte kundi maging sa mga usaping pang-negosyo at industriya.

Habang nagpapatuloy ang paglilitis, inaasahang mas makikita pa ng publiko ang kakayahan at estratehiya ng Ateneo-trained lawyer na ngayon ay nasa sentro ng isa sa pinakamahalagang legal at pampolitikang laban.