July 19, 2026

Home FEATURES Human-Interest

'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD

'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD
Photo courtesy: MB File Photo

Usap-usapan ang naging simpleng pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa kinahaharap na impeachment trial, nang magsadya siya sa Senado noong Martes, Hulyo 7, hindi para dumalo sa pagdinig, kundi para makipagpulong sa kaniyang mga abogado.

Bago tuluyang umalis, humarap siya sa media at bagama't hindi nagpaunlak ng mga tanong, nag-iwan naman siya ng simpleng pahayag.

"In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed," aniya, sabay alis.

Maki-Balita: VP Sara, darating sa day 2 ng impeachment trial?

Maki-Balita: 'Impeachment trial ito hindi action movie!' Rep. Diokno, pinalagan si VP Sara

Human-Interest

Mga kantang hindi nawawala sa karaoke ng mga Pinoy

Maki-Balita: 'Hindi siya cheerleader!' Ridon, binira pagpapakita lang ni VP Sara para sa defense

Matatandaang nauna nang nabanggit ng Bise Presidente ang salitang "bloodbath" nang umugong ang balak na impeachment laban sa kaniya.

Ang katagang "bloody but unbowed" ay mula sa ikalawang saknong ng tulang "Invictus," na nagsasaad ng katatagan at hindi pagsuko sa kabila ng matitinding pagsubok sa buhay.

Sinulat ito ng English poet na si William Ernest Henley, at sinasabing isa sa mga pinakapaboritong tula ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tatay ni VP Sara.

Batay sa mga ulat, sinasabing mga bata pa lamang daw ang mga anak, pinakabisado na ni Duterte sa kanila ang nabanggit na tula, na kalaunan ay tila naging "gabay" na rin ng kanilang pamilya sa tuwing may pinagdaraanan.

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, isinulat ni Henley ang Invictus habang nagpapagaling mula sa malubhang tuberculosis sa buto. Naisalba rin umano siya mula sa ikalawang pagputol ng kaniyang paa, dahilan upang maging simbolo ang tula ng lakas ng loob, katatagan, at determinasyon sa harap ng pagdurusa.

Hindi ito ang unang pagkakataong ginamit ng pamilya Duterte ang mga linya mula sa Invictus. Noong Abril 2026, binanggit din umano ito ni Veronica "Kitty" Duterte sa The Hague, Netherlands matapos ang pagdalaw sa ama, na kasalukuyan pa ring nakapiit sa International Criminal Court (ICC) detention facility.

Nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity, kaugnay sa umano'y madugong war on drugs noong kaniyang administrasyon, pati na ang pamumuno niya bilang alkalde sa Davao City.

Narito ang buong tulang Invictus ni William Ernest Henley:

Out of the night that covers me,

Black as the pit from pole to pole,

I thank whatever gods may be

For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance

I have not winced nor cried aloud.

Under the bludgeonings of chance

My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears

Looms but the Horror of the shade,

And yet the menace of the years

Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate,

How charged with punishments the scroll,

I am the master of my fate,

I am the captain of my soul.

Maki-Balita: ALAMIN: Bakit di puwedeng pilitin si VP Sara na dumalo sa sariling impeachment trial?