July 19, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Batanes, ang lalawigang pagmamay-ari ng Pilipinas

ALAMIN: Batanes, ang lalawigang pagmamay-ari ng Pilipinas
Photo courtesy: Wikimedia Commons


Maingay na usapin ngayon ang isang symposium kung saan tasahang isiniwalat ng ilang Chinese scholars na bahagi umano ng China ang lalawigan ng Batanes.

Depensa nila, “natural extension” daw kasi ng Taiwan ang Batanes, kung kaya’t dapat lang umanong isailalim ang probinsya sa kanilang bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!-Balita

Sa kabila ng mga nasabing naratibo, hindi ito nakalampas, nakatakas, at nakaligtas sa National Security Council (NSC) of the Philippines.

Giit ng NSC, ang Batanes ay sa Pilipinas at mananatiling pagmamay-ari ng Republika.

“Batanes is, and will always remain, an integral and indivisible part of the Republic of the Philippines. There is no dispute to settle, no claim to negotiate, and no ambiguity to resolve,” saad ng NSC sa kanilang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 10.

MAKI-BALITA: Buwelta ng NSC: 'The claim that Batanes belongs to China has no merit!

Sinopla rin ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang mga nasabing naratibo.

“The National Historical Commission of the Philippines (NHCP), the national agency mandated with promoting our country’s history and preserving our rich cultural heritage, strongly condemns and refutes the recent claims made by certain scholars from the People’s Republic of China during an academic symposium held at the Jinan University on 30 June 2026,” saad ng NHCP sa kanilang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 10.

MAKI-BALITA: NHCP, sinopla China; nanindigang sa Pilipinas ang Batanes

Malinaw namang pagmamay-ari ng Pilipinas ang Batanes—pero ano-ano nga ba ang ilang impormasyon patungkol sa lalawigang ito?

1. Ang Batanes ay ang pinakamaliit na probinsya sa Pilipinas (sa usaping populasyon at land area).

Ayon sa Regional Development Council ng Cagayan Valley Region, ang Batanes ay ang pinakamaliit na lalawigan sa bansa—na may layong 860 kilometro mula sa Manila, at 280 kilometro naman sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng pahinang Pacific Disaster Center, umaabot lamang sa 203 square kilometers ang laki ng probinsya.

Aabot lamang din sa humigit-kumulang 19,000 ang populasyon ng Batanes noong 2024, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

2. Ang Batanes ay bahagi ng Rehiyon 2 ng Pilipinas.

Matatagpuan ang Batanes sa Cagayan Valley Region o Rehiyon 2, na siyang umookupa sa hilagang-silangang bahagi ng Luzon.

Ang kabisera ng lalawigang ito ay ang munisipalidad ng Basco.

3. Tatlong isla lamang ang ‘inhabited’ sa Batanes.

Batay sa impormasyong inilatag ng Special Area for Agricultural Development, aabot sa sampu ang mga islang mayroon ang probinsya ng Batanes.

Gayunpaman, tatlo lamang ang inhabited o tinitirahan ng mga tao—Batan, Sabtang, at Itbayat.

4. Sikat na sikat sa Batanes ang ‘Honesty Store/Coffee Shop’

Sa gitna ng kabi-kabilang kaguluhan, isa sa pinaka pinagmamalaki ng Batanes ay ang kapayapaan at katapatan ng lugar.

Tanyag sa lalawigan ang Honesty Store o Honesty Coffee Shop, na ayon sa pahinang “The Poor Traveler” ay pagmamay-ari ng mag-asawang sina Jose at Elena Gabilo.

Sa naturang bilihan, masusubok ang katapatan sapagkat naniniwala ang tindahan sa kapasidad mong magbayad nang sapat kahit walang nakabantay.

Itinuturing na rin ang nasabing tindahan bilang isang tourist spot sa nasabing probinsya.

5. Ang Batanes ay “undisputed Philippine territory.”

Ayon sa pahinang Eurasia Review, ilang treaties at reyalidad na ang nagsasabing sa Republika ng Pilipinas ang Batanes—hindi sa Taiwan, at mas lalong hindi sa China.

Batay sa ulat, ang Batanes ay isang “integral part” ng bansa, na siyang nakasaad sa Konstitusyon; ilang treaties sa kasaysayan gaya ng Treaty of Paris at Washington; at sa kinabubuhayang reyalidad ng mga Ivatan.

6. Ang Batanes ay may kilala dahil sa kapaligiran nito.

Ayon din sa Special Area for Agricultural Development, tanyag ang Batanes dahil sa breathtaking landscapes, picturesque rollings hills, dramatic coastlines, at lighthouses nito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kabi-kabila ang magagandang tanawing matatagpuan sa Pilipinas—ilan sa mga ito ay makikita sa Batanes.

Hindi mababaluktot ng kahit sinuman ang katotohanan, malinaw sa mga batas at pandaigdigang desisyon na ang Batanes ay pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas.