Diretsahang kinontra ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang mga maiinit na pahayag ng ilang Chinese scholars hinggil sa pagiging “natural extension” ng Taiwan ang Batanes.
“The National Historical Commission of the Philippines (NHCP), the national agency mandated with promoting our country’s history and preserving our rich cultural heritage, strongly condemns and refutes the recent claims made by certain scholars from the People’s Republic of China during an academic symposium held at the Jinan University on 30 June 2026,” saad ng NHCP sa inilabas nilang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 10.
Anila, katulad ng kumalat na post sa Chinese social media platforms na Weibo at Rednote, kung saan, isang Chinese explorer ang naglakbay sa Palawan noong 1300s at 1400s, ang mga binitawang pang-aakin umano ng nasabing Chinese scholars ay walang rasyonal na pundasyon at ebidensya.
Kaya saad ng NHCP, ang mga puntong ito ay magiging mahinang argumento sa ilalim ng mga pag-aaral sa labas ng China.
“Like a post that circulated in social media in 2025 over Palawan, these “claims” have no rational basis in substantive research and operate from evident bad faith. They would never stand under scrutiny in academic discourse outside of the People’s Republic of China,” ani NHCP.
MAKI-BALITA: Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!
Upang maging mas malinaw ang pagtutol, narito ang mga punto ng Chinese scholars na isa-isang binara ng NHCP:
1. Ang Isla ng Batanes bilang “natural geographic extension” ng Taiwan.
Ayon sa NHCP, mayroong kasalukuyang satellite at oceanographic data ang Pilipinas at iba pang bansa na nagpapakitang mayroong continuous shelf na nag-eextend mula sa hilagang Luzon sa pamamagitan ng Babuyan at isla ng Batanes at iba pang parte ng Taiwan archipelago.
Dahil dito pinupunto ng NHCP na mas matimbang ang karapatan ng Pilipinas sa isla ng Batanes.
2. Ang isla ng Batanes ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Taiwan prefecture noong Ming at Qing Dynasties, bandang 1360s hanggang 1900s.
Pinupunto ng NHCP dito na batay sa mga pinakaunang pag-aaral ni British explorer William Dampier sa isla noong 1687, walang anumang bakas ng Chinese governance dito at ang mga lokal dito, ang mga Ivatan, ay nanirahan sa mga protektadong komunidad, kung saan, sila ay malayang nakikipagkalakalan sa iba pang bayan.
Hanggang sa pagsiklab ng rebolusyon ng Pilipinas noong 1896 at pagkakatatag ng kauna-unahang republika ng bansa, ang Batanes ay kilala nang teritoryo ng Pilipinas.
Nailathala rin na ang isla ng Batanes ay nagkaroon ng representante sa Malolos Congress at nagkaroon pa sila ng isang pamahalaan na kinikilala ng ng buong mundo bilang Pilipino.
3. Ang isla ng Batanes ay parte ng teritoryong dapat ibalik ng Japan sa China matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Saad ng NHCP, walang kakayahan ang Japan na gawin ito dahil ang isla ng Batanes ay pagmamay-ari na ng Pilipinas at ang mga lokal dito ay lumaya na mula sa awtoridad ng Japan pagpasok ng taong 1945.
Kaya sa pagtatapos ng pahayag, ang NHCP ay nanindigan sa mga lokal ng Batanes sa pagproklama ng kanilang katapatan sa bansang Pilipinas.
“Finally, the NHCP stands with the People of Batanes in proclaiming their right of allegiance to the Philippines, faithful to our constitution and the flag that continues to proudly fly over our northern provinces,” paninindigan ng NHCP.