July 11, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

'Sigabo' ni Coco, binakbakan; ginamitan ng AI?

'Sigabo' ni Coco, binakbakan; ginamitan ng AI?
Photo Courtesy: CCM Film Productions (FB), Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Hindi nakaligtas sa ilang netizens ang anila’y AI-generated clip na ginamit sa pinakabagong teleseryeng “Sigabo” ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.

Sa episode 13 ng Sigabo noong Miyerkules, Hulyo 8, tampok ang kasal ng Filipino-Chinese couple na tila ang eksena ay ginamitan umano ng artificial intelligence.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"AI tlga yung kasal parang sa mga chinese movie dto sa youtube"

"Halata masyado ung AI na scenes. Sana seedance 2.0 gamitin nila para pulido ung AI."

Teleserye

Di nag-click agad? Kathryn, may binisto tungkol sa kanilang dalawa ni James!

"Putsa.. AI AI na talaga ang galawan "

"Can’t spell Sigabo without AI "

"Philippine national tv tapos gagamit lang ng ai kadismaya"

"Idol na Idol ko si coco, grabe teaser neto nung Batang Quiapo palang, but to be honest medj nakakadismaya lanh kase di ko alam kung 60-40 bato like 40% Ai. "

"Dami ng AI na scene ngayon sa Sigabo pati yung chinese AI na rin AHAHAHA"

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Coco o ang mismong production sa likod nito. Ang “Sigabo” teleseryeng pinroduce ng CCM Film Productions at Dreamscape Entertainment.

Nakasentro ang kuwento ng teleserye kay Gabo na isang ulirang anak at ex-convict na matapos makalaya mula sa kasong hindi naman niya ginawa, nagsimulang magbagong-buhay.

Kasama rito ni Coco ang partner niyang si Julia Montes bilang leading lady.

Maki-Balita: Coco aminadong palaban; lahat ng umaway sa mga utol noon, binugbog!