July 23, 2026

Home BALITA National

Magtataas na naman! Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong July!

Magtataas na naman! Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong July!

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Biyernes na magpapatupad sila ng dagdag sa singil sa kuryente ngayong Hulyo 2026.

Matatandaang nito lang Hunyo nang magtaas ang Meralco.

Basahin: Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Hunyo!

Sa abiso ng Meralco, nabatid na dahil sa increase na ₱0.3428/kWh ngayong buwan, ang overall rate para sa isang typical household ay aabot na sa ₱14.8261/kWh mula sa dating ₱14.4833/ kWh lamang noong Hunyo.

Ayon sa Meralco, nangangahulugan ito ng ₱69 na dagdag sa bayarin ng isang tahanan na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan.

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Ipinaliwanag ng Meralco na ang dagdag-singil ay dulot nang pagtaas ng generation charge, ng ₱0.1800 kada kWh dahil sa mas mataas na presyo ng fuel.

Tumaas din umano ang charges mula sa Power Supply Agreements (PSAs) ng ₱0.2678 dahil sa impact ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.

Maging ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay tumaas din sa ₱8.0337/kWh matapos na maabot ng demand sa Luzon ang record high na 14,534 megawatts (MW) noong Mayo 28, 2026.

"Tighter power supply conditions in the grid pushed spot market prices higher, resulting in more frequent imposition of the secondary price cap at 11.1% of the time," anang Meralco.

Maging ang buwis ay nakapagtala rin ng pagtaas na ₱0.0960/kWh gayundin ang transmission at iba pang charges na tumaas ng ₱0.0668/kWh.