May 04, 2026

Home FEATURES

Worth it pa bang mag-recycle sa panahon ngayon?

Worth it pa bang mag-recycle sa panahon ngayon?
Photo courtesy: Unsplash


Ngayong Miyerkules, Marso 18, ginugunita ang “Global Recycling Day,” bilang paalala sa sangkatauhan sa kahalagahan at importansya ng pagre-recycle, upang matiyak na napapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Ano ba ang kahulugan ng pagreresiklo?

“Recycling is the process of collecting and processing materials that would otherwise be thrown away as trash and turning them into new products. Recycling can benefit your community, the economy, and the environment,” mababasa sa artikulo ng United States Environmental Protection Agency.

Ano ang kaugnayan ng pagre-recycle sa kapaligiran?

Ayon sa artikulo ng Institute for Environmental Research and Education, may direktang relasyon ang pagre-recycle at kapaligiran, partikular na sa isyu ng polusyon.


“Recycling significantly reduces pollution by decreasing the need to extract, refine, and process raw materials, processes that are notoriously energy-intensive and polluting. By transforming waste materials into new products, recycling conserves natural resources, lowers energy consumption, and minimizes the release of harmful pollutants into the air, water, and soil,” mababasa sa pag-aaral.

Impormasyon tungkol sa polusyon

Ayon sa artikulo ng Science Insights, ang polusyon ay enerhiya o mekanismo na may kakayahang magdulot ng kasiraan sa kapaligiran.

“Pollution is any substance or energy introduced into the environment that causes harm to living organisms or damages natural systems. It takes many forms, from chemicals in rivers to noise in cities, and it is now the second leading risk factor for death worldwide,” saad ng Science Insights.

Base naman sa ulat ng State of Global Air 2024, nangungunang “environmental threat” sa kalusugan ng mga tao ang “poor air quality,” isang uri ng polusyong hindi lamang Pilipinas ang kumahaharap, kung hindi ang buong mundo.

Ayon sa nasabing ulat, umabot sa 8.1 milyong katao ang nasawi dahil sa naturang polusyon.

Ilan lamang din sa mga uri ng polusyong nakaaapekto sa mga tao at hayop ay ang water pollution, soil pollution, noise pollution, at iba pa.

Dahil sa direktang koneksyon ng dalawa, hindi maikakailang ang akto ng pagreresiklo ay makatutulong upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.

Iba pang benepisyo ng pagreresiklo

Ayon sa artikulo ng Sustainability Success, ilan lamang din sa mga magandang naidudulot ng pagre-recycle ay ang pagkakaroon ng “healthier ecosystem” para sa mga tao at hayop, pag-conserve sa natural resources, tipid sa enerhiya, tipid sa pera, at ang mas progresibong ekonomiya.

Sa kaugnay na ulat, ginugunita rin ngayong araw ang “National Biodiesel Day,” na ayon sa artikulo ng Carbon Collective, ay mayroon ding mga benepisyo sa kapaligiran—partikular na sa usapin ng polusyon.

Isa na rito ang kabawasan sa emisyon ng greenhouse gases, at ang mabuting epekto nito sa “respiratory health” ng mga tao.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Dapat na nga ba tayong mag-switch sa paggamit ng biodiesel?-Balita