April 27, 2026

Home BALITA National

Sen. Padilla, may paalala para sa Fire Prevention Month

Sen. Padilla, may paalala para sa Fire Prevention Month
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB), MB FILE PHOTO

Naglatag ng mga paalala sa publiko si Sen. Robin Padilla kaugnay sa pagdaraos ng National Prevention Month ngayong buwan ng Marso. 

Ayon sa inupload na video statement ni Padilla sa kaniyang Facebook nitong Miyerkules, Marso 18, 2026, nagawa niyang magbigay ng paalala sa publiko bilang siya raw ang pinuno ng Committee on Public Information and Mass Media sa Senado. 

“Ang kaligtasan ay nagsisimula sa pag-iingat,” pagsisimula niya. 

Ani Padilla, siguraduhin daw dapat ng publiko ang wastong pagkonsumo ng kuryente, iwasan ang paggamit ng mga sirang kawad, at huwag pababayaan ang mga kagamitan sa loob ng bahay na posibleng pagsimulan ng sunog. 

“Siguraduhin po natin ang maayos na paggamit ng kuryente, iwasan ang mga sirang kawad, at huwag pababayaan ang mga kagamitang maaaring pagmulan ng sunog,” aniya. 

National

290 gasolinahan sa bansa, tigil-operasyon dahil sa krisis sa langis!

Anang senador, dapat din daw na maging mapagmatyag at agad na solusyonan ng publiko ang mga bagay na maaaring magdulot ng sunog sa kanilang tahanan at komunidad. 

“Maging mapagmatyag tayo sa ating mga tahanan at komunidad at agad tugunan ang anomang maaaring magdulot ng panganib o sunog,” paalala niya. 

Diin ni Padilla, maaaring pagsimulan ng isang panganib o ng sunog kahit na ang maliit na pagkukulang ng bawat indibidwal. 

“Ang isang maliit na pagkukulang ay maaaring magdulot ng napakalaking panganib sa ating tahanan ang komunidad,” saad niya. 

“Patuloy po nating suportahan ang mga programang nagpapalakas sa kahandaan ng ating komunidad laban sa sunod at iba pang sakuna. Mag-ingat tayo, magbantayan tayo, at magtulungan upang mapanatiling ligtas ang bawat tahanan,” pagtatapos pa niya. 

Ang National Fire Prevention Month ay mula sa Proclamation No. 115-A kung saan idinaraos ito tuwing buwan ng Marso sa Pilipinas upang magsulong at magtaas ng kamalayan ng publiko para sa seguridad mula sa sunog. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa Fire Prevention Month: 'Awareness alone is not enough'