April 16, 2026

Home BALITA

VP Sara sa Fire Prevention Month: 'Awareness alone is not enough'

VP Sara sa Fire Prevention Month: 'Awareness alone is not enough'
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB), Pexels

Nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte kaugnay sa Fire Prevention Month.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Lunes, Marso 16, sinabi niyang hindi umano sapat ang pagkakaroon lang ng kamalayan hinggil dito.

“Awareness alone is not enough. We must actively inspect our electrical systems, clear fire hazards, and ensure that every member of the family knows the emergency exit plan,” saad ni VP sara.

Dagdag pa niya, “Ang kaligtasan ng komunidad ay nagsisimula sa pagiging alerto ng bawat indibidwal. Maging kaisa tayo ng ating mga frontliners. Do not wait for an emergency to learn about safety.”

Samantala, pinuri naman ng Bise ang mga pribadong grupo at volunteer na naglalaan ng oras hindi lang para rumesponde sa sunog kundi upang himukin din ang publiko na suportahan ang kanilang inisyatibo.

Internasyonal

US at Iran, nagpasalamat sa Pakistan; may kasunduan na?

“Tandaan na ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat. Ang pag-iingat sa sunog ay isang pang-araw-araw na commitment,” ani VP Sara.

Matatandaang deklarado bilang “Fire Prevention Month” ang buwan ng Marso sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 115-A s. 1966 na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. 

Layunin nitong makapagbigay ng kamalayan hinggil sa kaligtasan sa gitna ng sunog at kung paano ito maiiwasan. 

Bukod dito, itinalaga rin ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Marso bilang “Burn Prevention Month” sa bisa ng Proclamation No. 360, s.1989.