May 22, 2026

Home BALITA National

‘Jet ski plan' ni FPRRD sa West Philippine Sea, itutuloy ng isang grupo!

‘Jet ski plan' ni FPRRD sa West Philippine Sea, itutuloy ng isang grupo!
Photo courtesy: Unsplash, PCO

Ibinida ng Atin Ito Coalition ang ikakasa nilang "jet ski flag ride" sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea, bilang parte pa rin ng kanilang civilian mission sa mga karagatang sakop ng bansa.

Nitong Lunes, Abril 27, 2026, inanunsyo ng koalisyon ang naturang plano na magsisimula sa Abril 30 hanggang Mayo 5.

"Tuloy na tuloy ang ating mission papunta sa Pag-asa Island. We want to make sure na sustained ang ating pag-civilianize sa WPS… para ipakita na dapat i-regularize natin na ordinaryong Pilipino ang nakaka-access sa Pag-asa Island sa WPS," ani Atin Ito Civilian Mission Commander Rafaela David sa media.

Matatandaang minsan nang nag-viral ang konseptong sumakay ng Jetski patungong West Philippine Sea matapos ang naging pahayag noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratly, Scarborough, bababa ako, sasakay ako ng jetski. Dala-dala ko yung flag ng Pilipino at pupunta ko dun sa airport nila. Tapos itanim ko then I would say 'This is ours and do what you want with me.' I would stake that claim,” ani dating Pangulong Duterte sa media noong Abril 2016 sa kasagsagan ng kampanya sa pagkapangulo.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Habang noong Mayo 2021 nang bawiin niya ang naturang pahayag at iginiit na hindi raw niya ipinangako ang nasabing pahayag para sa West Philippine Sea.

"I never never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China, I never mentioned about China and Philippines in my campaign because that is a very serious matter.

Ang West Philippine Sea ay ang mga karagatan at islang nasa kanluarang bahagi ng Pilipinas na matagal nang nasa sentro ng tunggalian ng iba’t ibang bansa kagaya na lamang ng Vietnam, ngunit higit lalo ng China.