March 18, 2026

Home SHOWBIZ Events

LANY, lalapag sa 3 siyudad sa Pinas

LANY, lalapag sa 3 siyudad sa Pinas
Photo Courtesy: LANY (FB)

Kabilang ang Pilipinas sa dadayuhing bansa ng sikat na American dreampop band na LANY sa kanilang world tour ngayong 2026.

Sa latest Facebook post ng LANY nitong Martes, Marso 17, makikita ang poster ng kanilang world tour na lalapag sila sa 16 na siyudad sa Asya at Australia. 

Sa Pilipinas, nakatakda silang pumunta sa Cebu sa Nobyembre 6, sa Manila sa Nobyembre 8, at sa Davao naman sa Nobyembre 14.

“[T]he soft world tour is heading to asia and australia later this year,” saad sa caption ng post.

Magsisimula ang pre-sale ng ticket pagpatak ng Marso 24 samantalang ang general sale naman ay sa Marso 27.

Events

Dennis Trillo, Carlene Aguilar, nagkita ulit para sa anak; Jennylyn Mercado, kasama rin!

Ang LANY ang nasa likod sa mga hit songs na “ILYSB,” “Super Far,” “Malibu Nights,” “Mean it” at maraming iba pa.

Ayon sa streaming site na Spotify noong 2021, nasa Pilipinas ang apat sa limang lungsod sa mundo na pinaka-nakikinig sa musika ng nasabing banda.

Maki-Balita: Sikat na dreampop band LANY, naglabas ng brand new album