May 05, 2026

Home BALITA Metro

Kasong naitatala sa Safer Cities Initiative, may pagbaba

Kasong naitatala sa Safer Cities Initiative, may pagbaba
Photo courtesy: PNP


Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na may “downward trend” ang mga kasong naitatala sa “Safer Cities Initiative,” isang programang pinasinayaan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Base sa ulat ng PNP noong Linggo, Abril 26, tanda raw ang pagbaba sa mga kaso na may “improvement” pagdating sa “public compliance” at “strengthened police-community engagement.”

“Twenty days since the launch of the Safer Cities Initiative on April 6, the Philippine National Police (PNP) has recorded a continuing downward trend in cases across Metro Manila, reflecting improving public compliance and strengthened police-community engagement,” saad ng PNP.

Matatandaang batay sa huling ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Sabado, Abril 25, naitala ng pulisya ang 7,349 kaso nito sa buong National Capital Region.

MAKI-BALITA: NCRPO, naitala higit 7k violations sa Safer Cities Initiative-Balita

Paliwanag ng PNP, ang araw-araw nilang datos ay nakitaan ng pagbaba sa mga kaso, simula noong isinagawa ang programa noong unang linggo ng Abril.

“Police authorities noted that daily figures have gradually declined since the start of implementation, consistent with earlier reports of decreasing violations in Metro Manila,” anang PNP.

Binigyang-diin naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na ang tunay na progreso ay nagmumula sa pagtutulungan ng awtoridad at publiko.

“Ramdam natin ang pagbabago kapag may disiplina at pakikiisa ang komunidad. Hindi lang ito dahil sa presensya ng pulis—ito ay bunga ng sama-samang malasakit sa kaayusan ng ating mga komunidad at lansangan,” saad ni Nartatez.

Pagtitiyak ng ahensya, patuloy na aaksyon ang PNP upang masiguro ang kaligtasan sa bawat komunidad.