May 21, 2026

Home BALITA

CPP-NPA, iginiit na 10 lang ang miyembro sa 19 na napatay ng militar; 9 katao, sibilyan!

CPP-NPA, iginiit na 10 lang ang miyembro sa 19 na napatay ng militar; 9 katao, sibilyan!
Photo courtesy: via MB

Hindi raw magpapatinag ang hanay ng Communist Party of the Philippines (CPP)-New People's Army (NPA) sa kabila ng bilang na nalagas sa kanilang hanay matapos ang naging operasyon ng militar sa Negros Occidental noong Abril 19, 2026.

Kaugnay nito, nilinaw rin ng CPP na tanging 10 katao lang daw ang opisyal na miyembro ng kanilang NPA habang 9 ang nadamay na sibilyan, taliwas sa ulat ng militar na pawang ang 19 na katao ay mga rebelde.

Kabilang sa mga pinangalanan ng CPP ay ang NPA Commander ng Northern Negros Front na si "Ka Tapang," squad leader na si "Rene," political instructor na si "Ka Sanim," district Party cadre na si "Ka Raia," at medical officer na si "Pedro."

"We honor the squad of 10 Red fighters of the NPA who fought the fascists to their last breath... Their deaths weigh heavily on our hearts," ani CPP Chief Information Officer Marco Valbuena.

Samantala, tinabla rin ni Valbuena ang ulat ng mga militar na armado ang 9 na sibilyang nadamay sa kanilang operasyon, kabilang na ang kontrobersyal na pagkamatay ng University of the Philippines (UP) student na si Alyssa Alano at community journalist na si RJ Ledesma.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA:  Nadamay na student-leader at local journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!   

"Based on the initial information we have gathered, they were killed despite the fact they were unarmed or non-combatants," saad ni Valbuena.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang inilalabas na tugon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang pahayag ng CPP-NPA.

Nagpapatuloy naman ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa pagkamatay ng 19 katao kung saan nilinaw ng Palasyo na hindi nila hahadlangan ang Komisyon sa anumang hakbang na ikakasa nito.

KAUGNAY NA BALITA: Malacañang, hindi pipigilan imbestigasyon ng CHR sa engkuwentro sa Negros Occidental