April 13, 2026

Home SHOWBIZ

'Parang naglalaro lang kami!' Jose Manalo, 'di inisip na trabaho ang Eat Bulaga

'Parang naglalaro lang kami!' Jose Manalo, 'di inisip na trabaho ang Eat Bulaga
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga Studio (YT)

Hindi umano inisip ng komedyanteng si Jose Manalo na trabaho ang ginagawa niya sa “Eat Bulaga” sa loob ng higit tatlong dekadang pagtatrabaho roon.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Marso 15, sinariwa ni Jose ang kaniyang humble beginning sa naturang noontime show.

“Nag-start ako sa ‘Bulaga’ 1994 as a PA, audition master. [...] Ako mage-screen, ako magpapasya kung babalik o kailan babalik. Tapos, ‘yon na, nag-floor director ako,” saad ni Jose.

Dagdag pa niya, “No’ng nag-floor director ako, lumalabas-labas na rin ako. Ako ‘yong legal na on-cam floor director.”

Hanggang sa napagdiskitahan na rin si Jose na maging kabatuhan ng biro ng iba pang “Eat Bulaga” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Musika at Kanta

Champion ulit! Birit Duo 'JMielle,' grand winner ng Your Face Sounds Familiar 4

Sey tuloy ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, “Kaya napansin si Kuya Jose, naalala ko no’n, ang galing mong sumagot. Nakakasagot ka sa kanila.”

“Hindi,” sabi naman ni Jose, “masaya lang kasi. No’ng napasok ako sa ‘Eat Bulaga,’ hindi ko siya inisip na trabaho.Inisip ko parang naglalaro lang kami.”

Sa kasalukuyan, 46 taon nang naghahatid ng saya ang “Eat Bulaga” sa mga tagasubaybay nito. Ito ang itiunuturing na longest-running noontime variety show sa Pilipinas na nagsimulang umere noong 1979.