August 21, 2026

Home SHOWBIZ

Bimby sa kabataang gustong makilala si Ninoy: 'Just research, trust reliable sources!'

Bimby sa kabataang gustong makilala si Ninoy: 'Just research, trust reliable sources!'
Photo courtesy: Bimby Aquino, MB

Iminungkahi ng apo ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., na si Bimby Aquino na maaari maghanap sa social media at magtiwala sa mga reliable sources ang kabataan kung gusto ng mga itong makilala ang kaniyang lolo. 

KAUGNAY NA BALITA: Ang saysay sa kasaysayan ng laging nagmamadaling si Ninoy

Sa naging pahayag ni Bimby sa paggunita nila ng ika-43 na anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy nitong Biyernes, Agosto 21, 2026, sinabi niyang nakilala raw niya ang kaniyang lolo sa pamamagitan ng panonood ng mga video sa YouTube at maaari din umano itong gawin ng mga kabataan. 

“Research po. Research. There’s a lot of videos of lolo on YouTube. You’ll really get to know him as a person,” pagsisimula niya. 

Ani Bimby, mag-research at magtiwala lang daw ang kabataan sa mga reliable source na maaari nilang makita online. 

Tsika at Intriga

Zsa Zsa Padilla, sinagot bashers ng kuda niya tungkol sa 'work ethics'

“Every night I watch that one when he’s in prison pa. We never have a conversation with him but research and trust reliable sources,” diin niya. 

Samantala, ibinahagi ng isa pang apo ni Ninoy na si Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Dee na hindi rin daw niya personal na naabutan ang kaniyang lolo at pareho lang sila ni Bimby sa naging paraan nila ng pagkilala rito. 

Aniya pa, umaasa raw sila na makikilala raw ng kabataan ang lolo nilang si Ninoy sa parehong paraan na ginawa nila. 

“Parang we learn about him the same way that most of Filipinos do.Hindi namin siya naabutan. None of us na magpinsan. So we hope that people can get to know him that way we do,” ani Dee. 

KAUGNAY NA BALITA: Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

KAUGNAY NA BALITA: 'Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy ang aking pagiging mangmang!'—Sen. Kiko