August 21, 2026

Home BALITA National

'Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy ang aking pagiging mangmang!'—Sen. Kiko

'Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy ang aking pagiging mangmang!'—Sen. Kiko
Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Binalikan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang panahon noong umiiral ang martial law ang pagkabasag umano ng kaniyang kamangmangan niya nang mapaslang ang dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa Facebook post ni Pangilinan sa anibersaryo ng pagpaslang kay Aquino nitong Biyernes, Agosto 21, 2026, ikinuwento niyang dalawang taong gulang lang daw siya nang mahalal si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1965 at siyam na taong gulang naman daw nang magsimula ang martial law noong 1972.

Diin ni Pangilinan, tinawag daw ang henerasyon nila bilang “martial law babies” at binira umano ng mga kasinungalingan na maganda araw ang “New Society at isang bayani raw si Marcos 

“At naniwala kami. Akala ko pinakamaganda na ang Pilipinas sa usapin ng progreso dahil ‘yun ang sinabi ng diktador,” pagsisimula niya. 

Preno ni Pangilinan, namulat daw siya sa katotohanan nang mapaslang si Aquino noong 1983 at nabasag umano ang pagtingin niya sa diktadurya at “New Society” ni Marcos. 

National

Higit 10k indibidwal, nailikas sa Luzon, Mindanao bunsod ng hagupit ng Habagat–PCG

“In the beginning, nagtataka ako: Ano’ng nangyari? Bakit walang-awang pinatay si Ninoy? Milyon-milyon ang lumabas sa kalye noong siya’y ilibing ngunit walang ipinakitang video, walang pinakita sa balita, wala sa dyaryo, hindi nirereport sa radyo, hindi nirereport sa TV,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Doon ko unti-unting inisip, bakit ganito? Ano ba ang nangyayari sa bansa? Pati ‘yung, sino ‘yung pumatay sa kanya? Bakit kung ano-ano’ng basura ang sinubo sa atin ng diktador, ng Marcos regime? Basura.” 

Diin ni Pangilinan, unti-unti raw siyang namulat at nagtanong kaugnay sa ginagawa ng isang diktador dahilan upang sumama siya sa mga kilos-protesta at mga diskusyon. 

“I immersed myself in the student movement through the UP student councils. I was elected in 1984 as vice chairman of the CAL Student Council. I was elected in 1985 as university councilor of UP Diliman,” ‘ika niya. 

Kuwento ni Pangilinan, naging lider-estudyante umano siya hanggang sa matagumpay na mapaalis sa puwesto si Marcos noong 1986 at idiniin niyang binago raw ng sakripisyo ni Aquino ang landas na kaniyang tinahak para sa katotohanan at katarungan. 

“Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy Aquino nung August 21, 1983 ang aking pagiging mangmang na teenager sa katotohanan, sa mga problema ng bansa, sa kasinungalingan ng diktadura at sa matinding pang-aabuso sa pwesto ng mga nakaupo,” buwelta niya. 

“Ninoy’s brutal killing was the beginning of the end of my ignorance and indifference to the ills of Philippine society. Salamat Ninoy sa iyong katapangan, paninindigan at sa iyong pag-alay ng buhay para sa kalayaan, sa demokrasya at para sa bayan,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang saysay sa kasaysayan ng laging nagmamadaling si Ninoy