August 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Baril, narekober sa bag ng 14-anyos na estudyante sa Cebu

Baril, narekober sa bag ng 14-anyos na estudyante sa Cebu
(Unsplash)

Narekober ang isang revolver sa loob ng bag ng isang 14-anyos na estudyante nang magsagawa ang kaniyang guro ng surprise inspection sa Lut-od National High School in Pinamungajan, Cebu noong Huwebes, Agosto 20, ayon sa provincial police.

Sa pahayag ng Cebu Police Provincial Police, nadiskubre ang .357 Magnum revolver na walang ammunition sa loob ng bag ng estudyante nang magsagawa ang guro ng surprise inspection.

Dagdag pa ng mga awtoridad, ang naturang baril ay pagmamay-ari diumano ng lolo ng estudyante. 

“Initial investigation disclosed that the firearm allegedly belonged to the minor’s grandfather and had been kept inside a cabinet at their residence in Purok Santol, Barangay Lut-od,” anang pulisya. “The minor reportedly took the firearm from the cabinet and brought it to school on August 20."

Samantala, kasalukuyan nang nasa Municipal Social Welfare and Development Office ang estudyante. 

Probinsya

Estudyanteng tinamaan ng bala sa likod sa ADZU shooting, ligtas na kondisyon!

Ayon sa pulisya, isinasagawa na ang kaukulang interbensyon para sa menor de edad, katuwang ang kinauukulang tanggapan at mga magulang o tagapag-alaga nito.

Napag-alaman ding nasa pangangalaga ng mga lolo’t lola ang menor de edad dahil nagtatrabaho sa labas ng bayan ang mga magulang nito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.