Ginawaran umano ng basbas ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang pagbabakla-baklaan ng social media personalities na sina Tito Marsy at Tito Abdul.
Ito ay sa gitna ng mga natatanggap umano nilang puna mula sa ilang netizens na queer-baiting ang ginagawa nila.
Bagama’t gay characters ang pino-portray nina Tito Marsy at Tito Abdul, aminado pa rin ang dalawa na sila ay mga tunay na lalaki.
Ginagamit ang queer-baiting sa media upang makaakit ng mga queer audiences, ngunit hindi naman totoong narerepresenta ang LGBTQIA+ community.
Kaya sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, sinabi nina Tito Marsy at Tito Abdul na aprub umano para kay Boy ang ginagawa nilang paraan ng pagpapasaya.
Ani Tito Marsy, “Tinanong namin. Tito Boy, kasi ang daming nagsasabi na queerbaiting daw ‘yong ginagawa namin. So gusto naming humingi ng advice sa ‘yo kung totoo ba.”
“Kasi gusto rin naming malaman kung totoo ba,” dugtong pa niya.
At ang sabi umano ni Boy, ayon sa kuwento ni Tito Abdul, “Walang masama sa ginagawa n’yo. Tandaan n’yo, mga actors kayo. Nagpapasaya kayo ng tao. Talent ang mayroon kayo. ‘Yon ang sinabi niya.”
Matatandaang kinaaliwan si Tito Abdul noong Enero dahil sa ginawa niyang pagpapatiklop sa angas ng bruskong si Rendon Labrador.
Ito ay matapos niyang humingi ng kiss sa kapuwa nila social media personality.
Maki-Balita: Rendon Labador, tiklop sa 'bading' na nanghingi ng kiss