May 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn, iniintrigang engaged na dahil sa naghuhumiyaw na diamond ring!

Kathryn, iniintrigang engaged na dahil sa naghuhumiyaw na diamond ring!
Photo courtesy: Zero1Story_ (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang larawan ng tinaguriang Asian Outstanding Star at Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo matapos mapansin ng mga netizen ang kaniyang singsing na may nakaadornong malaking diamond dito.

Pinutakti nga ng mga marites si Kathryn ng mga tanong kung engaged na ba siya sa napababalitang rumored boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.

Bagama't hindi pa umaamin sa tunay na real-score sa pagitan nilang dalawa, naniniwala ang mga netizen na may "thing" na sa kanilang dalawa, matapos ang sightings sa kanila sa iba't ibang lugar habang magkasama.

Going back sa singsing ni Kathryn, may mga nagsasabing baka hindi naman engagement ring dahil bakit daw nasa right hand. Usually kasi, sa palasingsingan ng babae sa left hand niya inilalagay ang engagement ring, simbolo ng pagtanggap niya sa alok ng boyfriend o partner niya na humarap sa dambana ng kasal at magsama na habambuhay.

Kaya bago raw umamin si Kathryn patungkol sa engagement, ang dapat daw munang abangan ay ang kumpirmasyon sa estado ng relasyon nila ni Yorme Mark.

Tsika at Intriga

Survivor na! Kaye Abad nanggulat, ibinahagi ang breast cancer journey niya