Opisyal nang divorce ang mag-asawang Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan makalipas ang higit isang taon mula nang pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Marso 10, natanggap na umano ni Ai Ai ang kopya ng desisyon ng Superior Court of California, County of San Joaquin, kaugnay sa diborsyong inihain niya noong 2025.
“Freedom!” saad ni Ai Ai matapos hingan ng reaksiyon hinggil dito. “Happy ako dahil single na uli ako. Parang half na nabubuo na ulit ako bilang Martina Eileen delas Alas. Wala nang Sibayan.
“And one more to go, hinintay ko lang ang resulta ng divorce namin para makapag-apply na ako ng church annulment,” dugtong pa ng komedyante.
Ayon kay Ai Ai, sa Amerika raw niya gustong ipagdiwang ang natamong kalayaan. Handa na rin umano siyang i-restart ang kaniyang buhay.
Matatandaang ang paghahain niya ng diborsiyo ang isa sa mga aksyong ginawa niya upang bawiin ang Petition for Alien Relative para kay Gerald.
Pinaboran naman ito at ibinigay ng U.S. Citizenship and Immigration Service ( USCIS) noong Marso 17, 2025.
“After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked,” saad sa desisyon ng USCIS noong Mayo 17.
Isa umano sa inilatag na dahilan ni Ai Ai para bawiin ang petisyon niyang maging permanent resident ng Amerika si Gerald ay ang pagkakaroon nito ng third party.
Maki-Balita: Ai Ai Delas Alas, binawi ang petisyong green card para kay Gerald Sibayan