Usap-usapan sa social media ang naging pag-amin ni Binibining Davao De Oro Kalamboan 2026 Sam Aldeano matapos ang naging serenade sa kanila ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio, sa coronation night.
Napansin kasi ng mga netizen na habang kinakantahan ni Derrick si Sam, sa awiting "Photograph" ni Ed Sheeran, sobrang lapit na ng aktor sa kaniya bukod pa sa nakahawak ang kamay nito sa beywang niya.
Napansin din ng mga netizen ang tila awkward na ngiti ni Sam nang mga sandaling iyon.
Sa isang komento, inamin ni Sam na naging "uncomfortable" siya sa inakto ni Derrick subalit sinabi niyang okay lang siya. Nagpasalamat naman siya sa mga nangumusta sa kaniya.
"Not gonna lie, I was uncomfortable at the time, but the show must go on! I have to be professional," aniya.
"I’m okay, guys, thank you for checking in on me,” sundot pa ni Sam, sa post ng RASTV na nagbahagi ng video clip.
Photo courtesy: via Fashion Pulis/FB
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito ang kampo ni Derrick.