May 22, 2026

Home BALITA National

DOE Sec. Garin, inilahad ₱17-₱24 na pagsipa ng petrolyo ngayong linggo!

DOE Sec. Garin, inilahad ₱17-₱24 na pagsipa ng petrolyo ngayong linggo!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ipinaliwanag sa publiko ni Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin ang nakatakdang pagtaas ng mga presyo sa petrolyo mula  ₱17 hanggang ₱24 kada litro, simula ngayong linggo. 

Ayon sa naging pahayag ni Garin sa pagdinig sa pagdinig ng Committee on Ways and Means sa Kamara nitong Lunes, Marso 9, 2026, direkta niyang sinabing iniulat umano sa kanila ng mga oil firms sa bansa ang nasabing pagsipa ng presyo sa petrolyo.

“They report to us [oil firms], on what they’re plan is, basically the range is about  ₱17 to ₱24, Mr. Chair. Increase for this coming week,” aniya. 

Paglilinaw pa niya, “Which is Tuesday up to Monday next week, Mr. Chair.” 

Ani Garin, dulot umano ito ng pagtaas ng demand sa langis dahil sa pagbaba ng supply nito, sanhi ng sigalot na kasalukuyang nangyayari sa Middle East. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Diin pa ni Garin, ang implementasyon ng nasabing pagtaas ng presyo sa petrolyo simula sa darating na Martes, Marso 10, 2026, ang maituturing umano na pinakamataas na pagtalon ng presyo sa petrolyo sa kasaysayan ng bansa. 

“The constraints on the price is also because of the high demand or low supply. The price is not the highest in history but the one that be implemented tomorrow will be the highest jump,” saad niya. 

Anang secretary, wala naman daw silang kapangyarihan at ngipin para pamahalaan ang pagbabago ng presyo sa petrolyo at tanging ang pagbabantay lang sa mga ulat ng oil firms ang kanilang magagawa. 

“We do not have the powers to regulate the price. We monitor, they report, they justify, but DOE does not have teeth in that sense because of the law,” ‘ika niya. 

Kambyo naman ni Garin, ang magandang balita raw tungkol dito ay pumayag ang mga kumpanya na hindi magtaas ng presyo nang isang bagsakan kundi uutay-utayin umano ito bawat araw. 

“What’s positive about the news today is that they have agreed to stagger in a sense that in the whole week, hindi isang bagsakan na ₱20 agad tomorrow,” giit niya. 

“Some companies have agreed na ₱2.50-₱2.50 lang, some agreed ₱10 for tomorrow,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nagpaalala naman si Garin sa publiko sa posibleng pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan at malawak na pagbabago sa ekonomiya sa susunod pang mga linggo. 

KAUGNAY NA BALITA: Gasolinahan sa Pasig na nagtaas ng 54% sa presyo ng petrolyo, buminggo sa DOE!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Kiko nagbanta sa mga nananamantala sa presyo ng petrolyo: 'Mananagot kayo!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita