March 18, 2026

Home BALITA Metro

Misis ni MMDA Gen. Manager Torre, walang lusot sa traffic violation!

Misis ni MMDA Gen. Manager Torre, walang lusot sa traffic violation!
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB)

Hindi nakatikim ng special treatment kahit ang misis ni Metro Manila Development Authority Gen. Manager Nicolas Torre III na si Patricia Jane Perbillo Torre.

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Linggo, Marso 8, makikita ang serye ng mga dokumentong naglalaman ng patunay sa naging traffic violation ng misis niya alinsunod sa MMDA Resolution No. 16-01 Series of 2016.

Sey tuloy ng MMDA Gen. Manager, “Mukhang hindi lang ako General Manager… General Payor din ng mga multa ni Patricia. (Update sa mga nagtatanong:  Oo, binayaran ko na kahit kasalanan nya pa. Ay, hindi pala sila nagkakamali di ba?  Sorry na po!)”

“Sa MMDA, walang special treatment pagdating sa traffic rules—kahit asawa ko, dumadaan sa parehong proseso,” dugtong pa niya.

Sa katunayan, ayon kay Torre, mai-impound na umano ang sasakyan ng misis niya sa susunod na paglabag nito sa batas-trapiko.

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers