March 07, 2026

Home BALITA National

Rep. Sarah Elago, 'di raw palalampasin pambabastos ni Atty. Topacio!

Rep. Sarah Elago, 'di raw palalampasin pambabastos ni Atty. Topacio!
Photo courtesy: HOR (FB), DWIZ News (YT)

Naglabas ng pahayag at kaniyang reaksyon si Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago kaugnay sa nasabing naging pagnanasa ni Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio sa kaniya noon sa isang hearing.

Matatandaang inamin at ibinahagi mismo sa publiko ni Topacio sa programa niyang “Yes… Yes… Yo! Topacio” ng DWIZ News noong Huwebes, Marso 5, 2026, ang minsan naging pagnanasa umano niya nang personal na maamoy si Elago noon.

“Ako dati, pinagnasahan ko rin si Sarah Elago, e. Naamoy ko noong hearing namin sa DOJ. Magalit na kayo kung magagalit kayo sa akin. I don’t care. Kasi talagang ako, suklam na suklam sa hypocrisy, kaplastikan. Kasi I always say what I mean and I mean what I say,” ‘ika ni Topacio. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio, inaming pinagnanasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!

Ayon naman naging tugon ni Elago sa kaniyang post sa social media accounts niya, partikula sa “X”, nitong Biyernes, Marso 6, 2026, sinabi niyang hindi niya raw palalampasin ang mga nasabi ni Topacio. 

National

4-day workweek, pansamantalang ipatutupad sa ilang executive offices ng pamahalaan

“BAWAL BASTOS! Hindi natin ito palalagpasin. Kailangan nating panagutin,” pagsisimula niya.

 

Photo courtesy: Sarah Elago (X)

Screenshot mula sa “X” post ni Elago. 

Ani Elago, wala raw puwang sa lipunan ang kaisipan at pag-uugali ni Topacio at patuloy raw silang kikilos para wakasan ang anyo ng seksismo at karahasan na nararanasan ng kababaihan. 

“Walang puwang sa lipunang naghahangad ng tunay na pagbabago ang ganitong kaisipan at pag-uugali,” aniya. 

“Patuloy na kumilos, mag-organisa upang wakasan ang lahat ng anyo ng seksismo at karahasan laban sa kababaihan!” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, tugon, o reaksyon si Topacio kaugnay sa naging sagot sa kaniya ni Elago. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'

Mc Vincent Mirabuna/Balita