March 08, 2026

Home BALITA

'Manyakis!' Tarpaulin ni Rep. Suntay, dinogshow sa QC!

'Manyakis!' Tarpaulin ni Rep. Suntay, dinogshow sa QC!
Photo courtesy: Contributed photo

Naging usap-usapan sa social media ang isang malaking tarpaulin na may larawan ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay, matapos itong i-vandalize ng salitang “MANYAKIS.”

Makikita sa tarpaulin, na nakapaskil sa kahabaan ng Quezon Avenue, ang campaign-style poster na may larawan ni Suntay kasama ang ilang pangalan ng mga kaalyado. 

Gayunman, nilagyan ito ng pulang spray paint na bumuo sa salitang “MANYAKIS” sa gitnang bahagi ng tarpaulin.

Ayon sa mga ulat, naganap ang paninira matapos umani ng batikos ang mambabatas dahil sa kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa aktres na si Anne Curtis sa isang pagdinig sa House of Representatives of the Philippines.

 Kalaunan ay iniutos na alisin ang naturang pahayag mula sa opisyal na rekord ng pagdinig matapos tutulan ng ilang kapwa mambabatas.

DOE, nagbabala laban sa mga mananamantala ng presyo ng produktong petrolyo!

KAUGNAY NA BALITA: May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Samantala, naglabas din ng reaksyon ang ilang personalidad at netizens sa social media. Kabilang dito ang abogado na si Jesus Falcis na nagsabing: “Quezon City Representative ka but you attacked Anne Curtis? Expect QCitizens to be angry.”

Ilan naman sa mga netizens ang nag-iwan ng maiikling komento online kaugnay ng insidente:

“Deserve.”

“QCitizens are watching.”

“Respeto sa kababaihan.”

“Public official ka, mag-ingat sa salita.”

“Hindi nakakatuwa ang ganitong biro.”

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Suntay kaugnay sa vandalism ng naturang tarpaulin, habang hindi pa rin tukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng paninira. Bagama’t nauna na rin siyang nagpahayag ng apology statement parra sa nasabing Kapamilya actress.

“While may mga tao siguro that found the analogy in bad taste, doon sa mga na-offend, inuulit ko, walang malice doon sa ninais nating gawin doon sa statement na iyon. Ayaw natin makasakit through that analogy," saad ni Suntay.

"But kung may nasaktan," pagpapatuloy niya, "humihingi tayo ng dispensa. Kay Ms. Anne Curtis din, kung nasaktan siya sa sinabi, uulitin ko, there was no malice intended at tayo humihingi ng dispensa sa kanIya.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’