March 02, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Tom Holland, Zendaya kasal na!—stylist

Tom Holland, Zendaya kasal na!—stylist
Photo Courtesy: Screenshot from Sony Pictures Entertainment (YT), Tom Holland (IG)

Kinumpirma ng longtime stylist ni Hollywood actress Zendaya na si Law Roach na ikinasal na ang kliyente niya sa “Spider-Man: No Way Home” co-star nitong si Tom Holland. 

Ayon sa mga ulat, nabanggit umano ni Law sa ginanap na 2026 Actor Awards noong Linggo, Marso 1, na nakapag-isang-dibdib na ang couple.

"The wedding has already happened,” saad ni Law. “You missed it."

Sundot ng reporter, "Is that true?"

 "It's very true!" natatawang sagot ni Law. 

Relasyon at Hiwalayan

Mala-Jinkee ang datingan! Jillian Ward todo-suporta sa bakbakan, 'Big Guy' si Eman Bacosa Pacquiao

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Zendaya at Tom para kumpirmahin o pabulaanan ang balita.

Matatandaang 2025 pa lang ay lumutang na ang usap-usapan na enagage na sina Zendaya at Tom. Ito ay matapos maispatang may suot na diamond ring si Zendaya sa dinaluhang Golden Globe Awards.

Pinaniniwalaang nagsimula ang pagkakamabutihanng dalawa matapos nilang gumanap sa “Spider-Man: Homecoming” ng Sony at Marvel Cinematic Universe noong 2017.

Maki-Balita: Tom Holland, hinihingan ng engagement photos nila ni Zendaya