Inanunsyo ng Manila local government unit (LGU) ang mas maagang pagbubukas ng SM City Manila upang matiyak ang mas mabilis na pagproseso ng postal ID.
Sa anunsyo ng Manila Public Information Office nitong Sabado, Mayo 2, narito ang updated na schedule ng pagproseso ng Postal ID sa SM Manila.
- Submission: 8:00 AM hanggang 12:00 NN (Lunes hanggang Biyernes)
- Release: 4:00 PM (same day)
- Tapos ng cut-off: next working day release
Pinapayuhan ng LGU ang mga aplikante na dumiretso sa RDU 2 (SM Parking Entrance) para sa early access patungong Government Service Express Center sa 5th Floor.
Matatandaang unang inanunsyo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagpoproseso ng kanilang ID sa SM City Manila noong Abril.
Ang kinakailangan lamang dalhin na dokumento ng aplikante ay ang mga sumusunod:
- Birth certificate
- National ID
- UMID
- Driver’s license
- Passport
- anumang government-issued ID na may kasamang picture at pirma.
MAKI-BALITA: Postal ID, puwedeng makuha same day sa pagproseso nito sa SM Manila