Inamin ng aktres na si Cristine Reyes na nagkamali umano siya ng desisyong magpakasal sa dati niyang asawa matapos siya nitong mabuntis.
Sa isang episode ng "The Sexytime Podcast" ng magkapatid na Isabelle at Ava Daza kamakailan, sinabi ni Cristine na na-pressure umano siyang pakasalan ang dati niyang mister.
Aniya, "'Yon 'yong mistake ko na parang feeling ko nagpa-pressure ako sa society na, 'Ay di ako married tapos pregnant ako. So kailangan kasal kami.'”
“Tapos inisip ko si Amarah, parang gusto ko siyang bigyan ng family, buo. Wala, mali,” dugtong pa ni Cristine.
Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres ang pinakamalalang ginawa umano ng dati niyang asawa sa kaniya.
"Ito talaga 'yong worst. Sinong matinong tao makakalimot ng anniversary niyo, ng wedding anniversary niyo? Do’n talaga ako nagpe-pray na parang, 'Pag wala talaga siyang ginawa, ayoko na," lahad ni Cristine.
Dagdag pa niya, nakaranas din umano siya ng domestic abuse ngunit mas pinil na lang daw niyang hindi sabihin.
Katwiran ng aktres, “Sinong maniniwala? Sasabihin nila, ‘Cristine ka, e. Ikaw si Cristine Reyes, matapang ka, e.’ Sinong maniniwala sa 'kin, 'di ba?"
Samantala, sinubukan naman ng GMA News Online na kunin ang panig ng dating mister ni Cristine na si Ali Khatibi.
Ayon sa kaniya, ayaw na raw niyang gatungan pa ang isyu.
“I have to decide which matters more, the family I’m trying to build or self-preservation. I hope you will understand that I choose the prior. I will allow this to die a natural death without me adding fuel to the fire,” ani Ali.
Matatandaang 2016 nang ikasal si Cristine kay Ali pero makalipas ang tatlong taon ay nagpasya silang maghiwalay.
Gayunpaman, hinangaan pa rin ng mga netizen ang co-parenting nilang dalawa sa kanilang anak.
MAKI-BALITA: Netizens bilib kay Cristine Reyes sa ‘co-parenting’ nila ng dating asawa