May 14, 2026

Home BALITA

Pinoy sa US, arestado matapos manaksak dahil sa orange juice!

Pinoy sa US, arestado matapos manaksak dahil sa orange juice!
Photo courtesy: Unsplash

Isang Pilipinong lalaki ang kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa United States (US) matapos ang isang marahas na insidente sa kaniyang roommates na umano’y nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa isang orange juice.

Kinilala ang suspek na si Phil John Amazona Yumang, na inaresto ng mga operatiba ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) noong Abril 28, 2026, sa Las Vegas.

Ayon sa mga opisyal, isinagawa ang pag-aresto matapos matukoy na wala siyang legal na pahintulot upang manatili sa bansa.

Batay sa impormasyong inilabas ng ICE, dalawa sa mga kasama ni Yumang sa bahay ang nasugatan sa naturang insidente. Lumalabas sa imbestigasyon na nauwi sa karahasan ang kanilang alitan sa loob ng kanilang tinitirhang bahay.

Saad ng ICE sa kanilang opisyal na social media accounts, “Yumang, a criminal illegal alien from the Philippines, told police he stabbed one of the victims because they ‘called him a bad name’ during the fight. Yumang admitted he stabbed his second victim because he was angry at him for intervening.”

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa

Sa kasalukuyan, nananatili si Yumang sa kustodiya ng ICE habang nagpapatuloy ang mga legal na proseso kaugnay ng kanyang immigration status, kabilang ang posibleng pagpapatapon palabas ng Estados Unidos.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang embahada ng Pilipinas at Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naturang insidente.