March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

Kamala Harris, tutol sa regime-change war sa Iran

Kamala Harris, tutol sa regime-change war sa Iran
Photo Courtesy: via MB

Tinuligsa ni dating US Vice President Kamala Harris ang ginawang pag-atake ng Amerika sa Iran sa direktiba ni US President Donald Trump.

Sa latest X post ni Harris nitong Linggo, Marso 1, dinadala umano ng Amerika ang mga mamamayan nito sa digmaang hindi nila gusto.

“Let me be clear: I am opposed to a regime-change war in Iran, and our troops are being put in harm's way for the sake of Trump's war of choice,” saad ni Harris.

Dagdag pa niya, “This is a dangerous and unnecessary gamble with American lives that also jeopardizes stability in the region and our standing in the world.”

Ayon kay Harris, hindi umano kalakasan ang nasasaksihan nila kundi kawalang-ingat na nag-aanyong resolusyon sa problema.

Internasyonal

'No direct threat!' AFP, tiniyak seguridad ng bansa sa kasagsagan ng gulo sa Middle East

Matatandaang inanunsiyo na ni Trump noong Sabado, Pebrero 27, sa pamamagitan ng isang video statement ang hudyat sa pagsisimula ng kanilang major combat operation kontra Iran.

Maki-Balita: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!