May 20, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: 15 probinsyang nakararanas na ng matinding tagtuyot

ALAMIN: 15 probinsyang nakararanas na ng matinding tagtuyot
Photo courtesy: Unsplash


Noon lamang Miyerkules, Abril 22, inanunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa 79% ang tsansa na magkaroon ng “El Niño” sa bansa sa pagpatak ng buwan ng Hunyo.

Ano nga ba ang “El Niño?”

Ayon sa PAGASA, ito raw ay ang pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng “drier-than-usual” na kondisyon ang ilang bahagi ng bansa, na maaaring magdulot ng negatibong epekto gaya na lamang ng tagtuyot at “dry spell.”

“During an El Niño event, there is an increased possibility of drier-than-usual conditions, which can lead to negative impacts such as droughts and dry spells in some parts of the country. However, above-normal rainfall conditions may also be experienced over the western section of the country during the Southwest Monsoon (Habagat) season,” anang PAGASA.

Sa puntong pumatak ang forecast probability ng posibleng pagkakaroon ng El Niño sa 70% o mas mataas pa sa loob ng dalawa hanggang tatlong magkakasunod na buwan, babalaan na ang publiko sa pag-iisyu ng isang El Niño alert.

“Based on the PAGASA ENSO Alert and Warning System, when conditions are favorable for the development of El Niño, with a forecast probability of 70% or more within the next 2 to 3 months, an El Niño Alert is issued,” anila pa.

Trending

#BalitaExclusives: ‘Literal na dumilim ang paligid!’ Singing performance sa Tarlac, nasaktuhan ng rotational brownout!



Gayong sa Hunyo pa posibleng maganap ang sinasabing El Niño, naitala na ng PAGASA ang 15 probinsya sa bansang nakararanas na sa kasalukuyan ng matinding tagtuyot.

Base sa ahensya, narito ang 15 probinsyang nakararanas na ngayon ng matinding tagtuyot—na pawang nagmula lahat sa Luzon:

1. Abra
2. Apayao
3. Benguet
4. Ifugao
5. Ilocos Norte
6. Ilocos Sur
7. Isabela
8. Kalinga
9. La Union
10. Mountain Province
11. Nueva Ecija
12. Nueva Vizcaya
13. Pangasinan
14. Quirino
15. Tarlac

Gayunpaman, nangako naman ang ahensya na patuloy ang kanilang close monitoring hinggil sa nabanggit na kaganapan.

Inudyukan na rin nila ang ilang concerned government agencies at ang publiko mismo na magsagawa ng precautionary measures upang labanan ang banta ng posibleng El Niño.